P500 Noche Buena: Pa’no tayo niloloko ng mga may pribilehiyong, ‘di man lang ramdam ang hirap at hikaskos?


Nakakagalit talaga na in a country where people are barely getting by, may magpapakita pa na kaya raw pagkasyahin ang Noche Buena sa five hundred pesos. Parang sinasabi sa ating lahat na dapat matuwa na tayo sa kakarampot, na okay lang ang konti, na p'wede na 'yan. And the worst part is, it comes from people who don’t even feel the real weight of inflation, grocery prices and everyday survival.

It’s so easy to smile on camera and claim na “kinaya,” habang millions of Filipinos are choosing between ulang pang-ulam at ulang pambaon. It’s easy to call it an achievement when you’ve never had to worry about the last few bills in your wallet. 'Di nila kailangan makipagsiksikan sa palengke, hindi nila kailangan magbawas sa ulam, at lalong hindi nila kailangang pag-isipan kung magkakasya ba ang budget hanggang Pasko.

What makes it even more frustrating is na 'yung mga nasa posisyon, yung may access, 'yung supposedly in touch with the needs of the people, are the same ones normalizing this kind of mindset. Sila ang may luxury na 'di ramdam ang taas ng bilihin, pero sila rin ang unang maglalabas ng “solutions” na hindi naman realistic para sa mga ordinaryong Pilipino.

Habang tayo dito, hustling day after day, adjusting budgets, cutting corners and hoping na kahit papaano magiging masaya ang Pasko, may mga taong nasa taas na 'di man lang talaga nakikita kung gaano tayo nahihirapan. Nakakalungkot at nakakagalit na paulit-ulit tayong tinatawanan ng sistema at pinapaniwala na dapat masiyahan tayo sa bare minimum.

That five hundred peso Noche Buena is not a flex. It’s a reminder of how out of touch the privileged can be, and how low they think our expectations should be. Kahit ga'no nila i-polish ang narrative, alam ng sambayanang Pilipino na 'di nila alam ang totoong bigat ng buhay na araw-araw nating pinapasan.

*'Di ko po sure kung tama ang flair po.

Leave a Reply